lottopark.com ★★★★★

Patakaran sa Pagkapribado

Ang Patakaran sa Pagkapribado ng LottoPark (simula dito ay tutukuyin bilang Patakaran sa Pagkapribado ) ay inilalapat sa website ng lottopark.com (simula dito ay tutukuyin bilang Website) ay pinapatakbo at tinutustusan ng White Lotto B.V., Fransche Bloemweg 4, Willemstad, Curacao (simula dito ay tinutukoy bilang ang Kumpanya).

Tinutukoy ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ang mga uri ng nakolektang impormasyon, ang mga paraan na ito ay ginamit, ang pag-access dito at gayundin ang mga paraan ng pag-update nito. Pinangangasiwaan namin ang aming obligasyon sa proteksyon ng pagkapribado sa seryosong paraan, ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang mapanatili ang sumusunod na Patakaran sa Pagkapribado ng malinaw at mauunawaan hangga’t maaari. Kung mayroon kang anumang komento o katanungan tungkol sa Patakaran sa pagkapribado na ito, hinihiling namin na ikaw ay makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng isa sa magagamit na paraan ng pakikipag-ugnayan (e-mail, telepono, form sa pakikipag-ugnayan).

Sa paggamit ng aming Website tinatanggap mo ang sumusunod na Patakaran sa Pagkapribado pati na rin ang aming Mga Tuntunin ng Paggamit.

Ang impormasyong aming kinokolekta

Kapag ginagamit mo ang website, kinokolekta namin ang mga sumusunod na impormasyon:

Kinokolekta ng hayagan sa iyo

Kapag lumilikha ng user account, ibinibigay mo ang iyong e-mail address na ginagamit upang makilala ang iyong account at upang maisagawa ang opsyonal na aktibasyon. Ginagamit din ang e-mail address upang magamit ang pagpapaalala ng password at maisagawa ang tungkulin nito.

Maaari din naming gamitin ang iyong e-mail address at numero ng telepono upang magpadala ng mga abiso sa tumatakbong Website (kabilang ang mga abiso na hiniling batas), balita tungkol sa Website, impormasyon sa mga produkto at serbisyo na kasama sa Website, pati na rin sa iba pang mga layunin sa marketing kabilang ang mga produkto o serbisyo ng ikatlong partido na maaaring may interes ka (simula dito ay tinutukoy bilang Mga Abiso). Maaari kang huminto sa pagtanggap ng mga abiso na may kaugnayan sa marketing anumang sandali sa paggamit ng link sa pagkansela na kasama sa bawat e-mail na ipinapadala namin o sa pakikipag-ugnayan sa amin sa paggamit ng paraan sa pakikipag-ugnayan: e-mail, telepono, form sa pakikipag-ugnayan.

Matapos lumikha ng isang account maaari mong kumpletuhin ang iyong profile sa mga sumusunod na data: unang pangalan, apelyido, tirahan, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono at timezone. Ginagamit ang impormasyong ito upang mapabuti ang proseso ng pagbabayad, deposito at mga withdrawal, para sa pag-customize ng Website (kabilang ang Mga Abiso), gayundin upang pangasiwaan ang mga napanalunan na mas mataas pa sa 2500 USD alinsunod sa talata 3.5 ng Mga Tuntunin ng Paggamit.

Maaari din naming itago ang pagpapatala ng data na kusang ibinigay sa amin upang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng form sa pakikipag-ugnayan, pakikipag-usap sa telepono, postal na mensahe, Facebook, Twitter o iba pang paraan ng pakikipag-ugnayan, kabilang ang: pangalan, e-mail address, numero ng telepono , postal address. Ang pagbibigay ng iyong pangalan at e-mail address ay kinakailangan upang magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng form sa pakikipag-ugnayan.

Ang pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang social media tulad ng Facebook o Twitter ay hindi dapat ituring na opisyal. Inilalaan namin ang karapatan na hindi tumugon sa mga mensaheng ipinadala sa pamamagitan ng ganitong paraan ng pakikipag-ugnayan habang ipinapaalam din namin na gagawin namin ang aming makakaya upang tumugon sa mga ito. Upang makuha ang detalyadong impormasyon sa data na nakolekta ng social media na binanggit sa itaas, kailangang isaalang-alang ng mga ito ang mga sumusunod na dokumento:

Pinoproseso din namin ang data ng payment card (numero, expiration date, pangalan at apelyido ng may-ari, CVV code) upang maisakatuparan ang proseso ng pagbabayad gamit ang payment card – matuto pa.

Hindi hayagang kinokolekta

Kapag ginamit mo ang Website, awtomatiko naming kinokolekta ang espesipikong impormasyon at ginagamit ito upang pangasiwaan ang mga pangunahing tampok sa Website, i-customize ang Website (kasama ang Mga Abiso), subaybayan ang pumapasok na trapiko at mapanatili ang seguridad. Kabilang dito, bukod sa iba pa:

  • IP address;
  • ang mga header na ipinadala ng browser, lalo na ang “User-Agent”, “Accept-Language” at “Referer” na naglalaman ng impormasyon tulad ng: uri, bersyon at wika ng browser, uri at bersyon ng operating system at ang web address kung saan natagpuan ang Website;
  • oras ng sistema;
  • mga HTTP na kahilingan;
  • cookies files na nakasave sa lottopark.com domain o subdomains.

Maaari din naming gamitin ang IP address upang mangolekta at magproseso ng impormasyon sa iyong aktwal na lokasyon upang mapabuti ang proseso ng pag-update ng data pati na rin ang pag-customize ng Website (kasama ang Mga Abiso).

Ang ilan sa mga data na ginawang awtomatikong makikita ng web browser ay nasa server log, kasama ang buong kahilingan ng HTTP, oras ng pagdating, IP address at mga address ng URL na nauugnay sa kahilingan.

Ginagamit ng function ng Website ang cache ng iyong browser. Ginagawa nitong posibleng ma-optimize ang oras ng pagload ng Website at upang gawing mas madali ang Website sa pag-tabi ng data sa pagitan ng mga session kahit pagkatapos ma-restart ang browser.

Ang impormasyon na hindi nakolekta ng hayagan ay kabilang ang, bukod sa iba pa, ang sumusunod na data na ginagamit upang mapangasiwaan at mapabuti ang proseso ng pagbabayad:

  • e-mail address, personal na data (unang pangalan, apelyido, tirahan, impormasyon sa pakikipag-ugnayan) at ID ng transaksyon upang maisagawa ang pagbabayad sa eMerchantPay; sa iyong pagsang-ayon ay nagtatabi din kami ng di-sensitibong data ng mga payment card na iyong ginamit upang mas mabilis ang pagbabayad;
  • e-mail address, petsa, katayuan, halaga at ID ng transaksyon na ginamit o nilikha upang maisagawa ang pagbabayad sa tpay.com;
  • e-mail address, user account ID, katayuan, halaga at ID ng transaksyon na ginamit o nilikha upang maisagawa ang pagbabayad sa Skrill;
  • e-mail address, ID ng user account, personal na data (unang pangalan, apelyido, tirahan, petsa ng kapanganakan, kasarian, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, balanse sa account, wika ng account at currency) at billing data na ginamit o nilikha upang maisagawa ang pagbabayad sa Neteller;
  • patutunguhang lokasyon ng bitcoin at ID ng transaksyon na ginamit o nilikha upang maisagawa ang pagbabayad sa Cubits.

Upang makakuha ng karagdagang impormasyon sa data na nakolekta sa panahon ng pagbabayad inaanyayahan ka naming maging pamilyar sa mga patakaran sa pagkapribado ng iba’t ibang gateway sa pagbabayad (matuto nang higit pa).

Ang impormasyon na hindi nakolekta nang hayagan ay ginagamit din ng mga serbisyo ng ikatlong partido ( matuto nang higit pa ).

Mga serbisyo ng ikatlong partido

Istatistika at seguridad

Upang mapangasiwaan ang seguridad ng Website pati na rin ang pakolekta at pag-aanalisa ng impormasyon sa function nito, ginagamit namin ang mga sumusunod na serbisyo ng ikatlong partido:

  • Google Analytics – upang masubaybayan ang trapiko at mapanatili ang detalyadong istatistika upang aming makilala ang mga pinanggalingan ng mga pagbisita at pag-aralan ang function ng Website;
  • Google reCAPTCHA – upang mapabuti ang seguridad ng Website sa pagprotekta laban sa mga awtomatikong script.

Kinokolekta at ginagamit ng mga serbisyo sa itaas ang impormasyon upang gumana nang maayos. Upang makakuha ng impormasyon sa data na nakolekta ng mga serbisyo ng Google inaanyayahan ka naming maging pamilyar sa Mga tuntunin ng serbisyo ng Google at Patakaran sa pagkapribado ng Google.

Kabayaran

Hindi kami nagtatabi ng detalyadong data ng mga payment card sa aming database. Upang magtabi ng payment card data, gumagamit kami ng gateway ng ikatlong partido sa pagbabayad na sumusunod sa mga kinakailangan sa pamantayan ng seguridad ng PCI-DSS (Payment Card Industry Data Security Standard). Ang aming database ay nagtatabi lamang ng mga reperensiya ng payment card na nakatabi sa gateway ng pagbabayad ng ikatlong partido. Ang mga reperensiya na itinabi namin ay naglalaman lamang ng di-sensitibong data ng payment card: expiration date, una at huling pangalan ng may-ari at ang huling apat na digit ng numero ng card. Ang data ng payment card ay ginagamit lamang at nakatago ng may pahintulot ninyo. Maaari mong tanggalin ang mga reperensiya sa nakatagong payment card anumang sandali. Ang data ng payment card ay tinatanggal din mula sa partikular na gateway sa pagbabayad ng ikatlong partido, sa kondisyon na magagamit ang tampok na ito. Dapat tandaan na maaaring hindi posibleng tanggalin ng lubusan ang data dahil sa paraan ng paggana ng partikular na gateway. Ang detalyadong impormasyon tungkol sa uri ng data na nakatago sa gateway ng pagbabayad na ginamit namin ay matatagpuan sa mga patakaran sa pagkapribado at mga tuntunin ng paggamit ng iba’t ibang gateway sa pagbabayad – matuto nang higit pa. Ang pagtanggal ng nakatagong data ng payment card ay hindi makakansela ang sinimulang transaksyon.

Upang maisakatuparan ang nasa itaas, pinoproseso namin ang data ng payment card na ibinigay sa gamit ang form sa website. Ang ganitong operasyon ay ganap na sumusunod sa mga kailangan ng PCI-DSS (Payment Card Industry Data Security Standard). Ang lahat ng data ng pagbabayad na iyong ibinigay ay ipinadadala sa pamamagitan ng naka-encrypt na SSL (Secure Socket Layer) na koneksyon.

Ipinaaalam namin sa iyo na upang maprotektahan ang iyong data ay ginagawa namin ang lahat ng kinakailangang pagkilos upang matiyak na ang iyong data ay hindi aksidenteng mawala, hindi magamit, maisapubliko, o sa anumang paraan na mabago o masira. Pinoprotektahan din namin ito mula sa hindi awtorisadong access.

Upang makakuha ng detalyadong impormasyon nakolektang data gamit ang iba’t ibang gateway sa pagbabayad, dapat na maging pamilyar sa mga sumusunod na mga dokumento:

Ibinahaging data

Hindi namin ibinabahagi ang iyong data sa mga kumpanya, organisasyon o iba pang ikatlong partido na may mga sumusunod na mga eksepsyon:

  • sakaling mayroon kaming natanggap na pahintulot mula sa iyo upang ibigay ito;
  • maaari naming ipadala ang iyong data sa mga pinagkakatiwalaang korporasyon na nagpoproseso nito para sa aming pangangailangan at para sa mga layunin lamang na tinukoy namin habang pinapanatili ang pinakamataas na kumpidensyalidad at seguridad ng impormasyon, lalo na ang mga kumpanya na bahagi ng aming grupo o mga kasosyo sa aming negosyo;
  • kung tingin namin ay makatwiran upang sumunod sa batas na kami ay napapasailalim;
  • pagsusuri sa paglabag ng seguridad ng Website, pagtuklas at pagpigil sa pandaraya at pagpapabuti ng seguridad at iba pang mga teknikal na usapin;
  • maaari din naming ibahagi ang data na hindi maaaring gamitin upang lubos na makilala ang isang indibidwal para sa mga layunin tulad ng pagpapakilala ng mga pinakabagong panalo o paglalathala ng pangkalahatang istatistika sa paggamit ng Website.

Kaligtasan ng data

Ginagawa namin ang aming buong makakaya upang tiyakin na nakatago ng ligtas ang iyong data. Alinsunod sa aming patakaran sa seguridad, hindi kami nagtatago ng mga password sa plain text. Ginagamit namin ang mga pinakabagong pamantayan at rekomendasyon upang matiyak na ang data at mga account ng aming mga user ay ganap na ligtas, kabilang ang, bukod sa iba pa:

  • regular na pag-update ng server;
  • agarang pagpapatupad ng mga update sa seguridad;
  • pagsunod sa lahat ng kailangan sa pamantayan ng seguridad na tinukoy ng PCI-DSS para sa korporasyon na nagpoproseso ng data ng payment card;
  • pagpapatupad at paggamit ng ligtas na koneksyon hangga’t maaari;
  • ang kontrol sa antas ng pag-access ng data na magagamit lamang ng mga indibidwal, kumpanya o organisasyon na kailangang magka-access ito; ang mga naturang korporasyon ay obligado din na mapanatili ang mahigpit na kumpidensyalidad o humarap sa malubhang kahihinatnan;
  • proteksyon laban sa hindi awtorisadong pag-access, mga awtomatikong pag-block sa pag-atake at pangkalahatang pamamahala sa aktibidad ng Website.

Pagtanggasl ng data

Ang pagtanggal ng data sa iyong profile ay hindi nangangahulugan ng pagtanggal nito nang buo sa aming sistema. Ang nasabing data ay maaari pa ring maitago sa mga sistema at backup hanggang isang taon. Ang mga backup, dahil sa kanilang kahalagahan at pagiging sensitibo ay nakatago din sa ibang mga server na pag-aari namin at pinapanatili namin at ng mga ikatlong partidong kumpanya na nagpapatakbo ng aming mga server sa ilalim ng magkakahiwalay na kasunduan. Ang iyong data na nakapaloob sa mga backup ay maaari lamang gamitin upang maibalik ito sa mga espesyal na kaso na nangangailangan ng paggamit ng mga backup. Ang mga pagbabago sa iyong profile data na ginawa sa pagitan ng petsa ng paglikha ng backup at petsa ng pagpapanumbalik ay mawawala, kung saan ikaw ay malinaw na aabisuhan.

Maaari mong tanggalin ang iyong user account sa pamamagitan ng pagsulat sa amin. Ang data ng tinanggal na account ay itatago upang maiwasan ang pagkawala ng kaugnayan sa pagitan ng account at ng mga transaksyon na naganap pati na rin ng iba pang mga pagkilos na isinagawa mo sa sistema. Sa iyong malinaw na kahilingan maaari naming ganap na tanggalin ang iyong profile data mula sa sistema sa pamamagitan ng pagpapalit nito sa anonymous data, bagaman hindi nito tatanggalin ang data para sa mga transaksyon na isinagawa.

Paghihigpit sa edad

Ang aming Website ay para sa mga taong nasa higit 18 taong gulang. Hindi namin sinasadyang kolektahin o gamitin ang data ng mga tao na alam naming hindi tumutugon sa aming pamantayan sa edad. Sa tuwing napapansin namin na ang taong wala pang 18 taong gulang ay gumawa ng account sa aming Website, ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang tanggalin ang kanilang data mula sa aming sistema.

Ang mga limitasyon ng polisiya sa pagkapribado

Ang Patakaran sa pagkapribado na ito ay hindi para sa mga serbisyong ibinibigay ng aming mga kasosyo o iba pang korporasyon na may mga advertisement at/o mga reperensiya sa aming Website, hindi rin ito para sa iba pang website na may reperensiya ang aming Website. Dapat maging pamilyar sa kanilang mga patakaran sa pagkapribado at mga tuntunin ng paggamit nang hiwalay.

Polisiya sa cookies

Upang magamit ang mga pangunahing tampok ng Website, kailangang i-enable ang cookies sa web browser. Maaari mong i-set ang iyong browser upang hindi pahintulutan ang cookies kung iyong nais, bagaman gagawin nitong limitado ang paggamit ng aming Website.

Upang malaman kung paano i-disable ang cookies, sumangguni sa dokumentasyon ng iyong web browser.

Mga pagbabago

Ginagawa namin ang aming makakaya upang ma-update ang Patakaran sa pagkapribado sa patuloy na batayan. Sa kaganapan ng makabuluhang pagbabago, lalo na kung kasama ang mas mataas na limitasyon ng pag-access sa iyong data o pagpapalawak ng saklaw kung saan ito ay ibinahagi, ipapaalam namin sa iyo ang mga pagbabago sa elektronikong paraan sa pagpapadala ng mensahe sa iyong e-mail address, bagaman taglay namin ang karapatan na gumawa ng mga pagbabago sa Patakaran sa pagkapribado sa ganap na hiwalay na paraan nang walang paunang abiso. Iyong buong responsibilidad na matiyak kung may mga pagbabagong ginawa sa Patakaran sa pagkapribado o sa mga Tuntunin ng paggamit. Ang anumang paggamit ng Website pagkatapos gawin ang mga pagbabago sa Patakaran sa pagkapribado o mga Tuntunin ng paggamit ay itinuturing na pagtanggap sa mga ito. Maaari mong suriin ang iyong data o tanggalin ito anumang sandali alinsunod sa at sa loob ng saklaw na tinukoy ng Patakaran sa pagkapribado na ito.

Pakikipag-ugnayan

Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa Patakaran sa pagkapribado na ito, makipag-ugnayan sa amin sa paggamit ng paraan ng pakikipag-ugnayan (e-mail, form sa pakikipag-ugnayan, telepono).

OK